^

Metro

Fare hike, malabo pa - LTFRB

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Tiniyak ni Land Trans­­portation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Jimmy Pesi­gan na malabo pa na ­ng pagta­taas sa pasahe ngayon pasu­kan hang­gang sa susu­nod na buwan ng Hulyo.

Ang paniniyak ay ginawa ni Pesigan sa ginanap na pulong Ba­litaan sa Dapitan kasa­bay ng pa­hayag na ina­tasan pa lamang nila ang mga transport group na magsumite ng kani-ka­nilang petisyon.

Ayon kay Pesigan, kailangan na dumaan sa proseso ang pagpa­patu­pad ng fare hike kung saan kaila­ngan ang pe­tis­yon, posisyon at pag­tatakda ng pag­dinig, bago magkaroon ng pa­ni­­­bagong rate.

Nauna ng hiniling ng ilang transport sector na magdadagdag ng P.50 sen­timong pagtaas sa pa­sahe sa lahat ng pam­publikong sasak­yan dahil na rin sa pa­tuloy na pag­taas sa presyo ng diesel.

Pinaala­la­hanan din ni Pe­sigan ang lahat ng mga school bus sa kanilang pagbi­yahe na tiyakin na may­roong medical kit at fire extingui­sher para sa pro­teksiyon ng mga estud­yante.

Minomo­nitor na rin nila ang mga kolorum na school bus na umano’y pa­ nganib din sa mga es­tud­yante.

AYON

CHAIRMAN JIMMY PESI

DAPITAN

FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

HULYO

LAND TRANS

MINOMO

PESIGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with