Pipi dinukot, pinilahan ng addict
MANILA, Philippines - Isang 19-anyos na pipi ang dinukot at hinihinalang ginahasa at ikinadena ng mga pinaniniwalaang addict na pedicab driver sa Malate, Maynila.
Sa pamamagitan ng sign language ng biktimang itinago sa pangalang “Allysa” sa interpreter na si Atty. Jessica Siquijor Magnanua, isa sa mga suspect ay nakilala sa pangalang alyas “Toto”, nasa edad 35-40, may taas na 5’7 hanggang 5’8, maskulado at kalbo habang positibo namang nakilala sa photo gallery ang suspect na si Gilbert Magpayo, ng no. 2143 Leveriza St., Malate, Maynila kasama ang isang hindi pa nakikilalang lalaki.
Ayon kay SPO1 Juzemer Feleo ng Manila Police District-Women and Children Desk, naganap ang insidente noong Hunyo 8, 2010 (Martes) , dakong 10:00 ng gabi, sa Malate, Maynila.
Papauwi na ang biktima galing sa pamamasyal sa Baywalk nang biglang lapitan ng isang lalaki sa tapat ng Manila Zoo at takpan ng panyo ang kanyang ilong at bibig.
Agad na isinakay ng mga suspect ang biktima sa pedicab at dinala sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa biktima.
Nang magkamalay ang biktima ay nakita nito ang sarili na wala ng saplot habang patuloy si “Toto” sa kanyang makamundong pagnanasa habang hawak naman ng dalawa pang suspect ang kanyang magkabilang kamay at nanonood.
Pinagsusuntok din ni Toto ang biktima sa tiyan nang mapansing nagkamalay na ito kung saan sumunod namang gumahasa dito ang dalawa pang suspect.
Matapos isagawa ang kahalayan ay nag-inuman pa ng alak ang mga suspect at ikinadena ang mga paa ng biktima.
Dala marahil ng kalasingan ay nakatulog ang mga suspect kung saan nakakita naman ng tiyempo ang biktima at kinuha ang susi sa mesa.
Nang makatakas ay sinikap ng biktima na makauwi hanggang sa tulungan ito ng tatlong babae at dinala sa barangay sa kanilang lugar.
Nabatid na inaaruga ang biktima ng isang ‘nanay-nanayan’ nito sa isang squatter area mala pit sa Paraiso ng Batang Maynila.
- Latest
- Trending