^

Metro

Caloocan police sangkot: 5 carnap, murder suspects timbog

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Arestado ang limang kalalakihan kabilang na ang isang bagitong pulis na nagkuntsabahan sa pagpatay sa isang lalaki matapos na kar­na­pin ang sports utility vehicle nito kamaka­lawa ng gabi sa Caloo­can City.

Nakilala ang mga nadakip na sina PO1 Rey­naldo Nuque, na­katalaga sa Northern Police District, ng Tu­gatog, Malabon City; Willy Ciano, ng Muzon, Taytay, Rizal; Robin Barlan, ng Balangkas, Valenzuela City; Christopher Dikit, ng Mey­cauayan, Bulacan; at Joseph Dela Cruz, ng Malabon City.

Ang limang suspect ang itinuturong respon­sable sa pagpaslang sa bik­timang si Jess Noel Litao, na tinatayang nasa 28-35 , may taas na 5’5”, maputi, masku­lado, at nakasuot ng asul na t-shirt nang ma­ganap ang krimen.

Sa ulat ng Caloocan police, naganap ang in­sidente dakong alas-7 ng gabi sa may Bag­ba­guin Road, Bagum­bong, ng naturang lungsod.

Nagpapatrulya ang mga barangay tanod sa lugar nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril na agad nilang ni­respondehan.

Dito nakita ng mga tanod ang duguang si Litao. Agad namang ini­ulat ng mga tanod ang krimen sa Caloocan police at Meycauayan, Bu­lacan police na nag­sagawa ng operasyon at nagresulta sa pagka­kadakip sa apat na mga suspect na lulan ng puting Mitsubishi Adventure (ZRN-604) na tina­ngay nila kay Litao.

Nasakote naman sa isinagawang follow-up ope­ration ang pulis na si Nuque sa Monumento, Caloocan makaraan ang ilang oras.

Nahaharap ngayon ang mga suspect sa mga kasong carjacking at murder at pawang mga na­kaditine sa Ca­loocan detention cell. Sinampa­han rin ng ka­ukulang kasong ad­ministratibo si Nuque na posibleng mag­re­sulta sa pagkaka­sibak nito sa tungkulin.

CALOOCAN

CHRISTOPHER DIKIT

JESS NOEL LITAO

JOSEPH DELA CRUZ

LITAO

MALABON CITY

MITSUBISHI ADVENTURE

NORTHERN POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with