Mag-asawa tiklo sa P5-M cocaine

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng 1 kilong cocaine na nakuha ng mga tauhan ng Caloo­can City police station anti-illegal drug unit mula sa isang mag-asawa sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni C/Insp. Bar­tolome Tarnate ang mga suspect na sina Mary, 35 at Reynaldo Ber­nas, 43 kapwa resi­dente ng Limay, Bataan.

Ang operasyon ay isinagawa ng magka­sanib puwersa ng Ca­loocan police at Anti-Illegal Drugs Special Ope­rations Task Force (AIDSOTF).

Ayon kay Tarnate, nakalagay sa dalawang plastic bag ang pinani­ni­walaang cocaine na nagkakahalaga ng P5 milyon subalit ibine­benta lamang ng mag-asawa sa halagang P2 milyon.

Nabatid na dakong alas-8:45 ng gabi nang maaresto ang mag-asawa sa Samson Road kung saan naka­takdang makipagkita ang mga suspect sa police agent.

Bago ang operas­yon ay nadakip ang isang Patrick Etong sa San Juan na sangkot din sa bentahan ng droga at nagturo sa mag-asa­wang Bernas.

Giit pa ni Tarnate, mabilis naman nilang napaniwala ang mag-asawa hanggang sa isa­gawa ang bentahan.

Ang mga suspect ay kasalukuyang nakaku­long sa AIDSOTF.

Show comments