^

Metro

Iligal na nag-operate ng online gaming: Korean national ipinatapon ng BI

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Korean national matapos na mahuli habang nasa aktong nag- ooperate ng isang online gaming sa Las Piñas City.

Sa ulat na ipinarating kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan ni BI deportation unit Chief Antonio Rivera kinilala nito ang suspek na si Kwon Joong Teak.

Si Teak ay pina-deport noong Hunyo 10 pabalik sa Pusan, South Korea sakay ng Philippine Airlines.

Pinatapon si Teak sa bisa ng summary deportation order na inisyu ng Board of Commissioner at pinagmumulta ng halagang P50,000 at paglalagay din dito sa immigration blacklist. 

“Let this serve as a warning to other foreigners illegally engaged in gainful activity. Get a working visa or you will be deported,” ayon kay Libanan.

Inatasan din ni Libanan ang limang Immigration area offices (IAOs) sa Metro Manila at kalapit na siyudad sa buong bansa na manmanan ang kanilang mga nasa­sakupan upang maaresto ang mga dayuhang illegal na nagtatrabaho sa bansa.

Hinikayat din ni Libanan ang publiko na kaagad ireport sa malapit na BI field office ang illegal na aktibidad ng mga dayuhan lumalabag sa immigration.

Si Kwon ay naaresto noong Marso 29 ng mga operatiba ng Immigration Area office-NCR

South sa bahay nito Guada Sanchez Street, BF Resort, Las Piñas City habang nasa aktong nag-ooperate ng internet gaming shop ng walang kaukalang permiso mula sa BI.

ANTONIO RIVERA

BOARD OF COMMISSIONER

BUREAU OF IMMIGRATION

GUADA SANCHEZ STREET

IMMIGRATION AREA

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

KWON JOONG TEAK

LAS PI

LIBANAN

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with