Kelot binoga habang natutulog
MANILA, Philippines - Tuluyan nang hindi nagising ang isang lalaki matapos itong barilin sa ulo ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek habang ang una ay natutulog sa loob ng bahay nito kahapon ng umaga sa Malabon City.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Vicente Buenaflor, ng Flovihomes, Brgy. Tonsuya ng nabanggit na lungsod.
Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang mga suspek. Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas -3:30 ng umaga sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.
Nabatid na natutulog ang biktima nang pasukin ng mga suspek at paputukan ng baril sa ulo na naging sanhi ng agarang kamatayan nito.
Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending