^

Metro

2,000 pamilya sa binabahang lugar, ipinamomonitor ni SB

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matinding monitoring ang ginagawa ng Quezon City government sa may 2,000 pa­milya na naninirahan sa mga flood-prone at mga high-risk areas upang maib­san ang anumang pinsalang ihahatid sa kanila ng kala­midad tulad ng pagkakaroon ng flash­floods ngayong tag-ulan.

Ayon sa report ng disaster control division ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS), ang mga pamilyang ito ay mga nani­nirahan sa ilalim ng tulay at malalapit sa tabing ilog sa may Ibayo area malapit sa Bag­bag creek, Culiat Bridge II sa Brgy. Bahay-Toro, Binhi ni Abraham area sa Brgy. Bagong Silangan, Dario bridge sa Brgy. Masambong, Culiat Bridge IV sa may Mindanao Avenue at mga brgy. malapit sa Tullahan river kasama na ang Sta. Lucia, Sta. Monica, North Fairview at West Fairview .

Ayon sa DPOS, sa Ibayo pa lamang halos may 800 pamilya ang naninirahan sa danger zone kahit na ang Bagbag creek ay prone sa flashfloods.

Sa utos ni QC Mayor Feli­ciano “SB” Belmonte Jr., ang ibat ibang ahensiya ng QC hall ay patuloy na nag­sasagawa ng kampanya upang mapro­tektahan ang mga residente nito laban sa natural at man-made calamities tulad ng bagyo, pag­baha, lindol, erosions at landslides upang maprotek­tahan ang buhay ng mama­mayan.

AYON

BAGONG SILANGAN

BELMONTE JR.

BRGY

CULIAT BRIDGE

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

IBAYO

MAYOR FELI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with