^

Metro

Stradcom itinangging supplier sila ng license card ng LTO

-

MANILA, Philippines - Itinanggi ng Stradcom Corporation­, ang exclusive Information­ Technology ng Land Transportation Office (LTO) na wala silang kinala­man sa production, pagsu-supply at deli­very ng drivers license.

Nilinaw din ng Stradcom, bilang LTO IT provider ay res­ponsable lamang umano sila sa pagde-design, installation, operation at maintenance ng kabuuang data base system ng LTO at hindi sa produk­siyon, pagsu-supply at deli­very ng drivers license ng mga motorista.

Ginawa ng Stradcom ang pahayag matapos magla­basan ang mga maling balita at para­tangan sila na umanoy sangkot sa paggawa ng dri­vers license gayung hindi naman kasama sa kontrata ng LTO at Stradcom sa ilalim ng Build Own and Operate ang drivers license card printing.

Kaugnay naman sa isyu ng bidding ng Drivers License Card Printing, sinabi ng Stradcom na dapat maging kapaki-pakina­bang ang new card printing system ng dri­­vers license, gayun­paman nangangamba ang Stradcom na posibleng sa isang supplier mapunta ang drivers license card printing dahil sa mga technical specifications na pumapabor lamang sa iisang supplier.

Idinagdag pa ng Stradcom bilang IT provider ay nais nilang masiguro na magiging parehas at bukas sa publiko ang bidding process ng dri­vers license at pawang mga ma­kabago ang teknolohiyang gagamitin para sa ikakaganda ng benepisyo ng mga moto­rista.

BUILD OWN AND OPERATE

DRIVERS LICENSE CARD PRINTING

GINAWA

IDINAGDAG

ITINANGGI

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LICENSE

SHY

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with