^

Metro

Maraming schools, dormitoryo sa Maynila, mapanganib - BFP

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Karamihan sa mga paara­lan at dormitoryo sa Maynila ay lumalabag sa fire safety code na ipinapatupad ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Ito ang lumitaw sa ulat na ipinadala ng BFP kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersec­retary for Public Safety Marius Corpus, matapos ang inspek­syon na isinagawa nila sa may 50 paaralan at unibersidad at 40 dormitoryo sa Manila, partikular sa University belt bilang fire safety requirements para sa preparasyon ng regular na pagbubukas ng klase sa Martes.

Ayon kay BFP Director Rolando Bandilla, Jr. kara­mihan sa paglabag na nakita sa mga ito ay ang makipot na da­anan, walang water sprinklers, hindi maayos na fire exit at walang first aid kits na dapat gamitin kapag may emergencies.

Ang iba namang establisi­mento ay walang fire alarm o fire extinguisher, at mayroon ding depektibong fire exit signages na hindi maliwa­nag at wala sa tamang sukat.

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DIRECTOR ROLANDO BANDILLA

FIRE

KARAMIHAN

MAYNILA

PUBLIC SAFETY MARIUS CORPUS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with