^

Metro

Lim sa Manilenyo, magsabit ng watawat ng Pilipinas

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Hinimok kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim , ang lahat ng residente ng Maynila na ipagdiwang ang Independence day at maglagay ng bandila ng Pilipinas sa mga bahay bukas na may kaakibat na pag-asa na magkakaroon ng magandang kinabuka-san sa ilalim ng administrasyon ni President elect Benigno “Noynoy” Aquino III.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde makaraang tang-gapin mula sa Chinese-Filipino Business Club Inc. (CFBCI) officers na pinamumunuan ni President Lino Uy, vice-president Lao Giok Chiao, immediate past president Siy Yap Chua at director Stephen Sia ang may 100 flaglets matapos mag-courtesy visit sa City Hall. Ayon kay Lim ang watawat ng Pilipinas ang siyang simbolo ng pagkakaisa ng bawat Filipino lalo pa’t bagong pag-asa ang nakikita ng bawat isa.

Sinabi ni Lim na espesyal ang pagdiriwang ngayon ng Araw ng Kalayaan, dahil mayroon nang bagong Pangulo ang bansa.

Naniniwala si Lim na tutularan ni Aquino ang ginawa sa bansa ng kanyang mga magulang na sina dating Senador Ninoy Aquino at Presidente Cory Aquino.

AQUINO

CHINESE-FILIPINO BUSINESS CLUB INC

CITY HALL

LAO GIOK CHIAO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PILIPINAS

PRESIDENT LINO UY

PRESIDENTE CORY AQUINO

SENADOR NINOY AQUINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with