^

Metro

Holdaper, utas sa shootout

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Bangkay na nang bumulagta ang isang sinasabing labas-pa­sok sa kulungan na hol­daper makaraang ta­maan ng bala sa ulo habang nakikipagbari­lan sa mga pulis ka­hapon ng tanghali sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Allan Edward Ferrer, 27, alyas “Bunso”, at na­nini­rahan sa Dominga St., Pasay City. Naka­takas naman ang hindi pa nakikilalang kasa­ma­han nito.

Sa ulat ng Pasay police, unang nama­taan ang mga suspect sakay ng isang van na paikut-ikot sa may Gil Puyat Avenue sa Ma­kati City dahilan upang mag­duda ang mga opis­yal ng barangay. 

Iniulat naman ito sa pulisya na nagpalabas ng alarma laban sa mga suspect.

Dakong alas-11:45 ng tanghali nang mati­yem­puhan ng mga ta­uhan ng Makati Station Anti-Illegal Drugs-Special Opera­tions Task Force ang mga suspect na nagpa­palit ng gulong sa may kanto ng Dominga at Villa Barbara Sts., sa boun­dary ng Makati at Pa­say City. Nang sita­hin ng mga pulis, agad na nag­ta­takbo ang mga suspect sa bahagi ng Pasay City. Nasukol naman si Ferrer na umano’y nan­laban at bumaril sa mga pulis sanhi upang gu­manti ang mga ala­gad ng batas na nag­resulta naman ng kamatayan nito. 

Nakuha sa tabi ng bangkay ng suspect ang kalibre .45 baril na ginamit nito sa pakiki­pagbarilan.

Lumilitaw rin sa pag­­sisiyasat na karnap ang van na dala ng mga suspect na pag-aari ng isang negos­yante sa Arayat, Pam­panga.

vuukle comment

ALLAN EDWARD FERRER

DOMINGA ST.

DRUGS-SPECIAL OPERA

GIL PUYAT AVENUE

PASAY CITY

SHY

TASK FORCE

VILLA BARBARA STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with