Mag-asawang tulak, timbog
MANILA, Philippines - Kapwa binitbit sa presinto ang mag-asawang sinasabing kabilang sa talaan ng most wanted ng Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) dahil sa matagal nang pagtutulak ng iligal na droga, matapos ang isang buy-bust operation, sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Supt. James Afalla ang mga suspect na sina Estrelita Batoquinas, 49 at live-in partner nitong si Ricardo Saliente, 42, kapwa residente ng #24 Oscares St., Quiapo, Maynila.
Ani Afalla, madulas umano ang dalawa kaya hindi madakip ng mga awtoridad sa ilang taon na nilang pagbebenta ng iligal na droga.
Nabatid na kumagat ang dalawang suspect sa ipinain ng poseur-buyer na si PO3 Renato Gregorio, kaya’t habang hawak ang marked-money na nagkakahalaga lamang ng P200 inaresto ang dalawa, dakong alas-9:30 ng gabi sa C. Palanca St., tapat ng Quinta market.
- Latest
- Trending