Biktima ng salvage natagpuan

MANILA, Philippines - Isang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natag­puan kahapon ng umaga sa gilid ng isang kalsada sa Caloocan City.

Habang sinusulat ang balitang ito, inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima, kung saan inilarawan lamang na nasa edad 25 hanggang 30, naka-short ng maong, sleeveless na shirt at asul na bull cap.

Sa report ng pulisya, dakong alas-3:30 ng umaga nang makita ng mga nagdaraan ang biktima sa gilid ng kalsada sa kahabaan ng Cabatuhan Road Deparo ng lungsod na ito.

Lumalabas na balot ng masking tape ang mukha ng biktima maging ang kamay at paa habang matinding pinsala sa ulo ang sina­sabing ikinamatay nito. May nakasulat na “huwag tularan, mag­nanakaw ako” na isinabit sa katawan ng biktima.

Show comments