^

Metro

Kuya tinarakan ng utol, kritikal

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid matapos na magtalo kung sino sa kanila ang bibili ng almusal sa Navotas City kahapon ng umaga.

Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Emerson Maguti, 26, ng Tulay Uno, Daang­hari ng lungsod na ito.

Hinahanting naman ng pulisya ang suspek na si Jayson Maguti, 21, nakatira sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga makaraang magtalo ang mag­kapatid sa loob ng kanilang bahay dahil nagtuturuan kung sino sa kanila ang bibili ng kanilang almusal.

Nagkainitan ang dalawa hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang kuya.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na pagamutan.

vuukle comment

DAANG

EMERSON MAGUTI

HINAHANTING

INOOBSERBAHAN

JAYSON MAGUTI

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

LUMALABAS

MATAPOS

NAVOTAS CITY

TULAY UNO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with