^

Metro

9 na holdaper timbog sa akto

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Siyam na holdaper na nag­tangkang mambiktima ng mga pasahero ng isang bus ang nadakip ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) na mabilis na rumesponde sa isang sumbong, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga naaresto na sina Leo Dela Cruz, 28; Ramil Ramos, 21; Alberto Dagatan, 26; Ronald Flores, 27; Carlos Pastor, 34; Joel Canerejo, 41; Noel Uzon, 35; Wilfredo Magtolo, 36, at Teddy Manera, 45.

Sa ulat ng Mandaluyong police, nakatanggap sila ng alerto buhat sa ibang police units sa na­ gaganap na panghoholdap sa isang pampasaherong bus sa may EDSA dakong alas-3:30 ng madaling-araw. Agad na rumes­ponde ang mga tauhan ng Man­daluyong police at EPD-Public Safety Management Battalion sa may EDSA Shrine kung saan naaktuhan ang mga suspek sa loob ng isang Don Mariano bus.

Mabilis na pinalibutan ng mga pulis ang naturang bus kung saan napuwersa ang mga suspek na sumuko na lamang sa mga awtoridad. Kasamang isinuko ng mga suspek ang iba’t ibang kalibre ng baril at patalim na gamit ng mga ito sa panghoholdap.

vuukle comment

ALBERTO DAGATAN

CARLOS PASTOR

DON MARIANO

EASTERN POLICE DISTRICT

JOEL CANEREJO

LEO DELA CRUZ

MANDALUYONG CITY

NOEL UZON

PUBLIC SAFETY MANAGEMENT BATTALION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with