^

Metro

Technician dedo sa 3 naka-bonnet

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang technician makaraang paulanan ng bala sa katawan ng tatlong kalala­kihang nakasuot ng bonnet na pinaniniwalaang nag-ugat sa onsehan sa droga sa lungsod Quezon kamakalawa.

Tadtad ng bala sa katawan ang biktimang si Rogelio La­mayo, 42, electronic technician ng Riverside St., Brgy. Commonwealth, ng nasabing lungsod.

Ayon sa pulisya, droga ang tinitignan nilang dahilan sa pag­patay sa biktima dahil marami sa mga residente ang nagsabi, ngunit natatakot lamang tumes­tigo sa takot na sila naman ang balikan ng mga suspect.

Sa pagsisiyasat ng scene of the crime operative (SOCO), na­re­kober sa lugar ang 13 basyo ng bala at dalawang piraso ng deformed slugs buhat sa kalibre 45 baril; dalawang piraso ng deformed slugs ng kalibre 380 na ginamit ng mga salarin.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa harap ng tin­ dahan sa Sto Rosario St., corner Riverside St., ng nasa­bing baran­gay ganap na alas- 8:05 ng gabi.

Nakatayo umano ang bik­tima sa harap ng kanyang tinda­han nang lapitan ito ng dala­wang kalalakihang nakasuot ng bonnet saka walang habas na pinagbabaril ito sa katawan.

Matapos ang pamamaril, kinapkapan pa umano ng mga suspect ang bulsa ng biktima na tila may hinahanap bago umalis patungo sa isang naghihintay nilang kasamahan na may dalang motorsiklo at nagsipag­takas.

Ayon sa isang testigo, bago tuluyang umalis, kinasa pa ng mga suspect ang kanilang baril, para panakot at hindi sila sundan sa kanilang pagtakas.

Ayon naman sa asawa ng bik­tima, wala umano siyang na­la­­la­man na kaaway ang asawa dahil hindi rin umano ito na­sang­­kot sa anumang krimen para patayin ito.

Patuloy naman ang imbesti­gasyon ng awtoridad upang matukoy ang mga suspect at tunay na motibo ng nasabing pamamaril.

AYON

BRGY

MATAPOS

NAKATAYO

PATAY

RIVERSIDE ST.

ROGELIO LA

SHY

STO ROSARIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with