^

Metro

Birthday Party nauwi sa trahedya: Celebrant patay sa lunod

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang sana’y masayang birthday party ng isang 26-anyos na dalaga matapos itong malunod at masawi sa pinagdausang swimming pool kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.

Patay na nang idating sa   Fatima Medical Center si Joy Anne Gardonia, nakatira sa Galguera Compound, Baran­gay Marulas ng lungsod na ito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw sa Villa Maria Resort, na matatag­puan sa Concepcion St., Brgy. Marulas ng lungsod na ito.

Kaarawan ng biktima at sa nasabing resort idinaos ang party. Nabatid na iniwan muna ang biktima na naliligo sa swimming pool ng kanyang mga kasamahan upang magpahinga sa cottage.

Matagal nilang hinintay ang pag-ahon ng celebrant kung kaya labis silang nagtaka dahil hindi nila ito makita kaya’t humi­ngi sila ng tulong sa life guard.

Doon nagulat ang lahat ng matagpuan ang katawan ng da­laga na nakalubog sa pool.

Mabilis na iniahon ang bik­tima at isinugod   sa nabanggit na pagamutan, subalit idinek­lara itong dead on arrival.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya kung may naganap na foul play sa naturang insi­dente.

vuukle comment

BARAN

CONCEPCION ST.

FATIMA MEDICAL CENTER

GALGUERA COMPOUND

JOY ANNE GARDONIA

MARULAS

SHY

VALENZUELA CITY

VILLA MARIA RESORT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with