^

Metro

Duelo: 1 patay, 1 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang binatilyo ang nasawi, habang isa ang nasugatan makara­ang mag­duelo dahil lamang sa asaran ma­tapos na mag­kasalubong sa isang kalsada sa lungsod Que­zon kama­kalawa.

Dead-on-arrival sa ospital sanhi ng mga sak­sak sa buong katawan ang biktimang si Dandy Al­buera, ng Purok I-A, Luzon Avenue, Brgy. Culiat sa lungsod.

Habang ang k-du­elo nitong si Arnel Ara­nillo, 18 na naninirahan din sa na­sabing baran­gay ay ino­obserbahan pa sa natu­rang ospital.

Ayon sa ulat nangyari ang duwelo sa may 1st St., Brgy. Holy Spirit ga­nap na alas-8 ng gabi ha­bang nag­lalakad ang na­sawi kasama ang kan­yang half brother na si Larbie Monte­calvo patu­ngo sa bahay ng kanilang ina sa Luzon Ave­nue nang masalu­bong nila ang grupo ni Aranillo.

Biglang nagbitaw ng pang-aasar si Aranillo kay Albuera na nagre­sulta sa mainitang pagta­talo.

Sa pagtatalo ay nag­pasya ang dalawa na mag­duelo kasabay ng kapwa pagbunot ng da­lang pa­talim at nagsak­sakan.

Sa ilang segundong pa­­­litan ng saksak ay kapwa sugatan ang da­lawa kung saan nag­pasya ang suspect na tumakbo papalayo, pero hinabol pa ito ng suga­tang si Al­buera.

Ngunit, isa sa kasa­mahan ni Aranillo ang sumunod kay Albuera at ito naman ang sumaksak sa kanya sa katawan.

Nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang pulisya hingil sa insidente upang matukoy ang isa pang salarin.

vuukle comment

ALBUERA

ARANILLO

ARNEL ARA

BRGY

DANDY AL

HOLY SPIRIT

LARBIE MONTE

LUZON AVE

LUZON AVENUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with