Rumorondang Electronic School pamana ni Mayor SB kina Bistek at Joy
MANILA, Philippines - Mamanahin ng susunod na administrasyon ng Quezon City ang isang makabuluhang pro-yekto para sa computer literacy program ng mga ka-bataan sa lungsod .
Ito’y matapos na ilunsad ni outgoing Mayor at 4th District Representative-elect Feliciano “SB” Belmonte, Jr., ang E-Shool-on-Board (ESB) program sa pakikipagtulungan ng Bagong Henerasyon.
Ang naturang proyekto ay sinasabing sagot sa problema ng kawalan o kakulangan ng com-puter units sa mga elemen-tary public schools na nagtuturo ng computer subjects sa ka-nilang graduating students.
Iikot ang dalawang ESB sa mahigit 100 public schools sa lungsod. Ang ESB ay dalawang container vans na naglalaman ng tig-20 o 40 computer units na magagamit ng mga grade 6 pupil para sa kanilang computer hands-on training.
Nagkakahalaga ng P2 hang-gang P4 milyon bawat isa ang ESB at plano ng Bagong Henerasyon na makapaglun-sad din ng kahalintulad na mga proyekto sa ibang lugar ng bansa kapag nagsimula na ang kanilang panunungkulan bilang partylist group sa Kongreso.
Magsisimulang makita ang pag-ikot ng ESB ngayong pasu-kan at ang administrasyon na nina Mayor-elect Herbert “Bis-tek” M. Bautista at Vice Mayor-elect Joy Belmonte ang magtu-tuloy nito.
- Latest
- Trending