^

Metro

2 bodyguard ng gobernador todas sa hepe

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nauwi sa madugong tra­hedya ang kasayahan ng mga bodyguards ni Cagayan pro­vince Governor Alvaro An­tonio nang ratratin ng chief se­rity officer nito ang dalawang kasamahang sibilyan ma­tapos na magtalo habang nag-iinuman sa bahay ng nasabing opisyal sa lungsod Quezon kamakalawa.

Tadtad ng tama ng bala sa kani-kanilang katawan sanhi upang agad na bawian ng buhay ang mga biktimang sina Allan Tiemsen, 31; at Joel Bok­ log; kapwa mga tubong Ca­lamias Ibaan, Batangas at security officer ni Gov. Antonio.

Tinutugis naman ng awto­ridad ang suspect na si SPO3 Eliseo Vergara Jr., alyas “Basyo”, miyembro ng Philip­pine National Police na naka­talaga rin sa gobernador.

Nangyari ang insidente sa   bahay mismo ng gobernador na matatagpuan sa 8 Abalon St., North Fairview Subdi­vision, Brgy. North Fairview sa lungsod ganap na alas- 9:30 ng gabi.

Sa pagsisiyasat ni PO2 Joy Marcelo ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), bago ang insidente masayang nag-iinuman ang mga biktima at suspect kasama ang mga driver na sina Chito Quintos at  Rico Trinidad dahil sa birth­day umano ng huli sa bahay ng gobernador.

Makalipas ang ilang minu­tong tunggaan at malasing bigla na lang sinermunan ni Vergara ang dalawang bik­tima hinggil sa sistema ng ka­nilang pagbabantay sa amo.

Hindi ito nagustuhan ng dalawang nasawi kung kaya humantong ito sa hindi pagka­kaintindihan na nauwi sa pagtatalo at hamunan.

Sa puntong ito, galit na kinuha ng suspect ang kan­yang M-16 rifle at doon ay pina­ulanan ng bala sina Tiem­sen at Boklog, saka mabilis na tumakas sakay ng isang kotse na pag-aari ng gobernador kasama ang dalawang na­banggit na driver.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), narekober sa krimen ang 11 piraso ng basyo ng bala ng M-16 rifle na ginamit ng pulis sa pamamaril sa mga biktima.

Nabatid na si Tiemsen ay nagtamo ng tama ng bala sa likod, kanang tagiliran, at ka­liwang dibdib, habang si Boklog naman ay sa kili-kili at kaliwang braso. Patuloy ang imbestigas­yon ng CIDU sa nasabing insidente.

vuukle comment

ABALON ST.

ALLAN TIEMSEN

BOKLOG

CHITO QUINTOS

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

ELISEO VERGARA JR.

GOVERNOR ALVARO AN

JOEL BOK

JOY MARCELO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with