Bebot nagbigti
MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na babae ang nagbigti matapos na iwanan ng kanyang live-in sa Paco, Maynila, kahapon ng umaga.
Nakabitin pa sa kable ng computer ang biktimang si Rynn Asiao, ng 2018 Anakbayan St., Bgy. 740, Zone 80, Paco, Maynila nang madiskubre ni George Maputi, kapatid ng live-in partner ng biktima na si Reynaldo Maputi.
Sa ulat ni Det. Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 10:30 ng umaga nang matuklasan ang pagpapatiwakal ng biktima.
Ayon kay Reynaldo, nagkaroon sila ng pag-aaway at iniwan niya ito dakong alas-3:00 ng madaling-araw.
Matinding selos umano ang pinagmulan ng kanilang pag-aaway hanggang sa umiyak ang biktima at isagawa ang pagpapakamatay.
- Latest
- Trending