^

Metro

Dayo na driver, dinedo

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Nanawagan ang Manila Police District (MPD) sa kaanak ng napatay na pedicab driver na sinasabing dumayo lamang  at walang nakakakilala, sa Binondo, Maynila, kama­kalawa ng hapon.

Nagpakilala lamang umanong “Jojo” ang biktimang inilarawan sa edad na 25 hanggang 30 at may tattoo na “BCJ” (Batang City Jail) sa katawan.

Sa ulat ni Det. Virgilio Martinez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:20 ng hapon nang barilin ang biktima sa harap ng Area H, Gate 64, Access Road ng ICTSI, MICP, Binondo. Naglalakad lamang sa lugar ang biktima nang lapitan umano ng suspect at saka binaril sa batok na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

Nabatid na dalawang linggo pa lamang na lumalabas ng pedicab ang biktima sa operator na si Johnny Antonio at walang nakakaalam kung saan nakatira ito at wala ding alam na kaanak. Maaari umanong kilalanin ang bangkay na inilagak sa St. Harold Funeral Homes.

ACCESS ROAD

AREA H

BATANG CITY JAIL

BINONDO

JOHNNY ANTONIO

JOJO

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ST. HAROLD FUNERAL HOMES

VIRGILIO MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with