SPD may bagong director
MANILA, Philippines - Opisyal nang umupo bilang bagong director ng Southern Police District (SPD) si Chief Supt. Jose Arni Delos Santos matapos na magpatupad ng bahagyang pagbalasa ang Philippine National Police (PNP).
Pinalitan ni Delos Santos si Chief Supt. Jaime Calungsod na itinalaga naman na director ng Directorate for Integrated Police Office-Visayas. Pinangunahan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) ang pormal na “turn-over ceremony” kaha pon ng umaga sa SPD Headquarters sa Fort Bonifacio.
Sa kanyang talumpati, nagbabala kaagad si Delos Santos na sisibakin niya sa puwesto at irerekomendang maalis sa serbisyo ang sinumang pulis o opisyal na masasangkot sa ilegal na droga.
Sinabi rin nito na una niyang pagtutuunan ng pansin ang kampanya laban sa krimen at illegal na droga, maliban pa ang pagtutok sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 15 upang mabigyan ng sapat na seguridad ang mga mag-aaral.
- Latest
- Trending