^

Metro

Karambola ng 7 sasakyan: 3 sugatan

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang sugatan sa karambola ng pitong sasakyan sa pagitan ng Bonifacio Avenue at Mauban St., sa lungsod Quezon kahapon.

Ang mga nagkarambolang sasakyan ay ang Isuzu dump truck (CAJ-748); Isuzu closed van (UJA-969); Isuzu cargo truck (RVX-718); Mitsubishi alu-minum van (EVK-237); Toyota Corolla Sedan (PPU-178); Isuzu dump Truck (CFU-241); at isang Toyota Innova (ZFK-337).

Kinilala ang mga sugatan na sina Jaime Dacutan; Danilo de Guzman at Romeo Santinises, 31. Ang driver ng Isuzu dump truck na may plakang CAJ-748 na pasimuno ng banggaan ay mabilis na tumakas makaraan ang insidente. Nangyari ang insidente pasado alas-5 ng umaga sa may panulukan ng A. Bonifacio Avenue at Mauban Street, Quezon City

Diumano, nakikipag-ka-rera ang dump truck ng suspect sa isa pang dump truck galing Ba-lin-tawak patungong Blumen-tritt, kung saan kasunod naman nito ang mga sasakyan ng mga bik-tima. Pagsapit sa Mauban St., biglang sinalpok ng mina-ma-nehong dump truck ng suspect ang  Isuzu closed van  na mina-maneho ni Dacutan.

Dahil sa lakas ng impact, nagtuluy-tuloy sa pagtakbo ang closed van hanggang sa bang-gain naman nito ang likurang sa--sakyan ng cargo truck na mina-maneho ni Arnulfo Causo kung saan sakay nito sina San-tinisis at De Castro hang-gang sa magkasunud-sunod na ang banggaan.

vuukle comment

ARNULFO CAUSO

BONIFACIO AVENUE

DE CASTRO

ISUZU

JAIME DACUTAN

MAUBAN ST.

MAUBAN STREET

QUEZON CITY

ROMEO SANTINISES

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with