^

Metro

Retiradong police, 1 sa 3 sinalvage sa Pasay

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nadiskubre kahapon na isang retiradong pulis ang isa sa tatlong bangkay na natag­puan kamakailan sa Pasay City.

Katarungan ngayon ang sigaw ng naiwang pamilya ng biktimang si retired SPO1 Emmanuel Gonzales, 56, da­ting nakatalaga sa Manila Police District-Station 7. Na­batid na kinilala ito ng kan­yang pinsan na si Danilo Go­mez  at mga dating kasama­hang pulis habang nakalagak ang bang­ kay sa Rizal Funeral Homes.

Sa record ng Pasay City police, natagpuan ang bang­kay ni Gonzales sa Dominga St. dakong alas-2:50 noong na­karaang Sabado ng mada­ling-araw halos kasunod ng pag­kakatuklas sa dalawa pang bangkay na itinapon naman sa Roxas Blvd. at Aurora Blvd..

Unang nakilala nitong na­karaang Linggo ang dalawang bangkay na sina Glen Rami­rez, 27, ng Cabuyao, Laguna; at Derel de Dios, 18, ng Sta. Mesa, Maynila.  Kapwa mga miyembro ng Batang City Jail at Bahala na Gang ang da­lawang biktima.

Huling nakitang buhay si Gonzales dakong ala-1 ng ma­daling-araw sa loob ng Station 7 sa MPD sa Abad San­tos Avenue sa Tondo, Maynila kung saan kausap nito ang mga dating ka­samahan.

Sinabi ni Gomez na dala umano ng pinsang si Gon­zales ang P.6 milyong halaga kung saan kasama rito ang kanyang retirement benefits.  Dala rin ng biktima ang kot­seng Toyota Altis na nawa­wala rin ngayon kasama ng naturang mga salapi.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan ang bik­tima, binalutan ng supot na plastic at itinali patalikod ang mga kamay gamit ang kawad ng kuryente.

Naniniwala naman ang Pasay police na posibleng ka­kilala o malapit rin sa biktima ang pumaslang dito at ma­aaring pinag-interesan ang dala nitong malaking halaga ng salapi.  Patuloy pa rin ang isinasagawang malalimang imbestigasyon upang mare­solba ang naturang krimen.

ABAD SAN

AURORA BLVD

BATANG CITY JAIL

DANILO GO

DOMINGA ST.

EMMANUEL GONZALES

GLEN RAMI

GONZALES

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with