^

Metro

80-anyos na Chinese natagpuang patay

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hinihinalang may isang linggo nang patay ang isang 80-anyos na Chinese national na mag-isa lamang na naka­tira sa tinutuluyang apartment sa Sta. Cruz, Maynila, ka­hapon ng umaga.

Kilala lamang umano sa lugar ang biktima sa panga­lang Loleng Ty,  ng 957 Seve­rino St., Sta. Cruz, Manila.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-9 ng umaga nang madis­kubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.

Nadiskubre ang bangkay ng lola dahil sa umalingasaw na amoy at nang hanapin ng kanyang mga kapitbahay ang pinagmulan ay doon natukoy na sa bahay ng biktima ito nag­mumula. Dahil dito, pu­wer­sahang binuksan ang pintuan ng bahay ng biktima at dito na tumambad ang halos naaagnas na bangkay nito. Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng kamatayan ng naturang lola.

vuukle comment

BIKTIMA

CRUZ

DAHIL

HINIHINALANG

INAALAM

KILALA

LOLENG TY

MAYNILA

NADISKUBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with