^

Metro

Implementasyon ng VIMS sa buong bansa, pinamamadali

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inatasan kahapon ni Im­migration Commissioner Mar­celino Libanan ang infor­ma­­tion technology staff nito na madaliin ang implemen­tasyon ng proyekto ng Bureau of Immigration (BI) na  visa-is­su­ ance-made-simple (VIMS) sa lahat ng subports at field offices sa buong bansa.

Ang kautusan ni Libanan kay BI computer section chief Jollybert Galeon ay upang ma­isulong ang “full and com­plete” implementation ng VIMS system sa natitira pang 24 subports at tanggapan ng BI na hindi pa naipapatupad ang nasabing proyekto.

Sinabi ni Libanan kay Galeon na ang mga dayuhan sa iba pang lugar ay dapat na makinabang sa proyektong VIMS tulad ng ibang lalawi­gan at Metro Manila na nakikinabang na dito.

Iginiit ni LIbanan na hindi na dapat pang nagpupunta sa main office sa Intramuros, May­nila ang mga dayuhan upang mag-update lamang ng kanilang status at sa halip ay dapat na itong gawin na la­mang sa mga satellite, district officers of subports na malapit sa kanila kayat inatasan nito si Galeon na madaliin ang implementas­ yon ng VIMS.

Ang VIMS ay siyang flag­ship project ni Libanan na ini­lun­sad noong 2008 kung saan nagiging madali ang pagpro­seso sa pagkuha ng visa appli­cations ng mga dayuhan at nakakapagpasok sa gob­yerno ng malaking kita.

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MAR

GALEON

IGINIIT

INATASAN

JOLLYBERT GALEON

LIBANAN

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with