10 bading tiklo sa cyber sex den
MANILA, Philippines - Timbog ang 10 bading na pawang mga cyber sex worker matapos salakayin ng mga pulis ang isang cyber sex den dahil sa reklamo ng mga residente sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Nakakulong sa Valenzuela City Police ang mga nadakip na bading kung saan nabatid na karamihan sa mga ito ay nanggaling pa sa iba’t ibang probinsiya.
Sa report ng pulisya, dakong alas-11 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang isang bahay sa Consolacion st., Saint Jude Subdivision, Brgy. ng nabanggit na lungsod.
Inabutan ng mga pulis ang dalawa sa mga nadakip sa ikalawang palapag ng bahay na nagse-sex sa harap ng webcam na naging dahilan upang damputin ang mga ito.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon at reklamo ang mga pulis hinggil sa kalaswaang nangyayari sa nasabing bahay na naging dahilan upang salakayin ito.
- Latest
- Trending