Driver patay sa bigong holdap

MANILA, Philippines - Patay ang isang company driver matapos pag­babarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga hol­da­per sa naganap na tang­kang payroll robbery sa Ca­loocan City kahapon ng umaga.

Nasawi noon din ang bik­­timang si Christopher Ma­­nansala, 34, stay-in driver ng Yushihara Trading Inc., ng F. Roxas St., ng lung­sod na ito.

Sa report ng pulisya, dakong alas-9:30 ng um­a­ga, sakay ang biktima sa Toyota Revo at ang ka­ni­lang sek­ retaryang si Jove­lyn Labrador, 32 dala ang payroll money na nag­kaka­halaga ng  P170,000 at pag­­sapit sa pagitan ng 5th at 6th Ave­nue ay hina­rang ng mga suspek. Hindi hi­nin­to ng biktima ang sa­sak­yan at pina­harurot ito dahi­lan upang paulanan ito ng bala ng mga suspect hang­gang sa tamaan ang biktima.

Bumangga ang sa­sak­yan sa isang bahay kung saan mabilis na nakababa si Labrador at nakatakbo dala ang pera.

Dahil sa mga paparating na mga tao ay tumakas na ang mga suspek at hindi na hinabol si Labrador .

Nagsasagawa na nang follow-up operation ang mga pulis hinggil sa na­sabing insidente.

Show comments