Murang school supply isasagawa sa Arroceros Forest Park

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Manila City hall administrator Jesus Mari Marzan  na sa Arroceros Forest Park isasagawa ang 1-day sale bukas ng mga school supplies at hindi sa Bonifacio Shrine.

Ayon kay Marzan, ang pagbabago ng lugar ay upang mabigyan ng komportableng kilos ang mga Manilenyo habang namimili at naghahabol ng mga kailangan sa pasukan sa susunod na linggo.

Aniya, mapuno at madilim ang lugar kung kaya’t hindi mararamdaman ang init ng panahon.

Sinabi ni Marzan na libre ang sinumang nais na mamasyal dito ayon na rin sa kautusan ni Manila Mayor Alfredo Lim.

Show comments