^

Metro

Gas leak, lumikha ng tensiyon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Lumikha ng matinding pangamba ang pagsingaw ng “liquefied petroleum gas” buhat sa isang refilling station na pinagkakargahan ng mga taxi malapit sa Manila Do­mestic Airport sa Pasay City kahapon ng umaga.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang maamoy ng mga dumadaan at maging ng mga tauhan ng Manila Auto Gas na nasa kanto ng Domestic Road at Andrews Avenue ang pag­singaw ng gas.

Agad namang iniulat ang insidente sa Bureau of Fire Pro­tection (BFP) kung saan pansamantalang itinigil ang daloy ng trapiko sa lugar ng Pasay police dahil sa pa­ngamba na biglang sumiklab ang apoy kung may aksiden­teng magsisindi ng sigarilyo o anumang aktibidad na magi­ging sanhi upang sumiklab ang gas.

Hindi naman maipaliwa­nag ni Christopher Cruz, duty supervisor ng Manila Auto Gas ang sanhi ng gas leak. Ang naturang establisim­yento ay nagkakarga ng “auto LPG” sa mga taxi na bumibiyahe sa naturang lugar.

Kaagad namang nag-spray ng tubig ang BFP sa paligid ng gas station upang makontrol ang umaalingasaw na amoy.

Dakong alas-7:20 na ng umaga nang tuluyang ma­kontrol ng mga awtoridad ang pagtagas ng gas makaraang maisara ang pangunahing tubo na nagsusuplay ng gas. Bandang alas-9 na ng umaga naman nang bumalik ang normal na daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Patuloy ang isinasaga­wang imbestigasyon ng BFP sa insidente kung saan po­sible umanong may kahara­ping kaso ang pamunuan ng Manila Auto Gas dahil sa pag­lalagay sa panganib ang na­turang lugar at mga dumaraan dito.

ANDREWS AVENUE

BUREAU OF FIRE PRO

CHRISTOPHER CRUZ

DAKONG

DOMESTIC ROAD

GAS

MANILA AUTO GAS

MANILA DO

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with