^

Metro

Driver pumalag sa holdap, dedo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang taxi dri­ver matapos manlaban sa da­la­wang holdaper kahapon ng madaling-araw sa Que­zon City.

Tama ng baril sa leeg ang ikinasawi ng biktimang si William Herrera, 47 ng 176 Sar­miento St., Ext., Brgy. Sta Monica ng nasabing lungsod habang pinagha­hanap na­man ang dalawang suspect na isa dito ay nakilalang si Ambrocio Ravelo, alyas Jim­boy, residente ng Da­mayan St., Batasan Hills sa lungsod. Si Ravelo ay kinilala mismo ng ilang residente dito.

Ayon kay SPO3 Gerry Abad, ng Homicide Section ng Quezon City Police District (QCPD) natagpuan ang bang­kay ng biktima sa may harap ng isang tahanan sa no. 205-C, Damayan St., Batasan Hills ganap na alas-2:10 ng ma­daling-araw.

Lumilitaw na sumakay ang mga suspect sa taxi ni Her­rera na MGE taxi (TXF-469) at nang makarating sa Da­mayan St. ay nagdeklara ang mga ito ng holdap.

Subalit dahil sa pinaghi­rapang kita sa magdamag, nanlaban ang biktima kung kayat binaril ito ng mga suspect at saka mabilis na tu­makas.

Ayon sa ilang residente, dalawang putok ng baril ang kanilang narinig kung saan nakita nila si Ravelo ka­sama ang isa pang lalaki na tu­makbo palayo sa taxi habang naliligo naman sa kanyang sariling dugo si Herrera.

vuukle comment

AMBROCIO RAVELO

AYON

BATASAN HILLS

DAMAYAN ST.

GERRY ABAD

HOMICIDE SECTION

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

SI RAVELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with