^

Metro

3 pulis arestado sa cocaine

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Arestado ng Las Piñas City police ang dalawang aktibo at isang retiradong pulis sa isang buy-bust ope­ration ng pinaniniwalaang cocaine, kamaka­lawa ng gabi sa naturang lungsod.

Kinilala ni Las Piñas police chief, Supt. Noel Me­cayer ang mga nahuling sus­pect na sina SPO2 Roger Sangilan, 45; PO3 Michael Castroverde, 40, kapwa nakatalaga umano sa Camp Crame at ang reti­radong pulis na si SPO4 Ole­gario Perlado, 60.

Nakumpiska sa mga suspect ang tinatayang nasa 50 gramo ng cocaine na na­kabalot sa isang plastic bag at ang “boodle money” na ginamit sa operasyon.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group, naganap ang operasyon dakong alas-8 kamakalawa ng gabi matapos ang koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Nabatid na matagal nang sinusubaybayan ng mga ope­ratiba ang naturang sin­dikato base sa natatang­gap nilang “intelligence report”.

Isang poseur-buyer ang nagpanggap na bibili kung saan isasagawa ang tran­saksiyon sa Cecile Drive sa Brgy. Talon Dos sa naturang lungsod.

Hindi na nakapalag ang mga suspect nang biglang magsulputan ang mga pulis at mahuli sa kanilang po­sesyon ang iligal na droga matapos na tanggapin ang marked money mula sa poseur-buyer. Nakapiit ang tatlong pulis sa Las Piñas Detention cell.

vuukle comment

ARESTADO

CAMP CRAME

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

LAS PI

MICHAEL CASTROVERDE

NOEL ME

ROGER SANGILAN

SHY

TALON DOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with