Bahaing lugar imomonitor: MMDA naglagay ng CCTV sa mga pumping station

MANILA, Philippines – Upang mamonitor ang mga kritikal na lugar na sentro ng pagbaha sa pa­nahon ng tag-ulan, nag­lagay ng 20-internet proto­col closed circuit television (IP-CCTV) camera ang Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) sa main pumping stations sa Kalakhang Maynila.

Ayon sa MMDA, ito ang kanilang ginagawang pag­ha­handa sa pagpasok ng rainy season dahil sa kabi-kabila na namang pagbaha sa mababang lugar. Aniya, layunin ng flood control monitoring system na matu­tukan ng sabay sabay sa centralized command center ang 25-pumping stations na nakalagay sa mga istra­ tehikong lugar  ng Maynila.

Sinabi ni MMDA chairman Oscar Inocentes na ang mga bagong monitoring structure na kanilang ipinosisyon gamit ang tele­metry system ay makatu­tulong sa ahensiya para makakuha ng impormas­yon sa pumping facilities ka­bilang ang diesel pump status, fuel consumption, fuel level on the storage tanks, at flood levels.

Nabatid kay Milagros Silvestre, head ng Ma­nage­ment Information Sys­tem (MIS) na ang sistema ay mangangailangan ng hybrid camera at video analytics software bukod pa sa intra­net platforms para sa ma­ayos at on-time na pag­mo­monitor, pagre-record at archiving ng manage­ment data.

Sakaling umabot sa kritikal level ang tubig sa pumping stations at karatig lugar, awtomatiko ang alarma at kaagad na ipa­alam ito sa mga opisyal na in-charge sa operasyon para sa pagbubukas ng pumping gates o flood gates kung sadyang kina­kailangan. (Lordeth Bo­nilla)

Show comments