Bahaing lugar imomonitor: MMDA naglagay ng CCTV sa mga pumping station
MANILA, Philippines – Upang mamonitor ang mga kritikal na lugar na sentro ng pagbaha sa panahon ng tag-ulan, naglagay ng 20-internet protocol closed circuit television (IP-CCTV) camera ang Metropolitan Manila Development Authority(MMDA) sa main pumping stations sa Kalakhang Maynila.
Ayon sa MMDA, ito ang kanilang ginagawang paghahanda sa pagpasok ng rainy season dahil sa kabi-kabila na namang pagbaha sa mababang lugar. Aniya, layunin ng flood control monitoring system na matutukan ng sabay sabay sa centralized command center ang 25-pumping stations na nakalagay sa mga istra tehikong lugar ng Maynila.
Sinabi ni MMDA chairman Oscar Inocentes na ang mga bagong monitoring structure na kanilang ipinosisyon gamit ang telemetry system ay makatutulong sa ahensiya para makakuha ng impormasyon sa pumping facilities kabilang ang diesel pump status, fuel consumption, fuel level on the storage tanks, at flood levels.
Nabatid kay Milagros Silvestre, head ng Management Information System (MIS) na ang sistema ay mangangailangan ng hybrid camera at video analytics software bukod pa sa intranet platforms para sa maayos at on-time na pagmomonitor, pagre-record at archiving ng management data.
Sakaling umabot sa kritikal level ang tubig sa pumping stations at karatig lugar, awtomatiko ang alarma at kaagad na ipaalam ito sa mga opisyal na in-charge sa operasyon para sa pagbubukas ng pumping gates o flood gates kung sadyang kinakailangan. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending