^

Metro

Kelot tinodas sa burol

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 27-anyos na electrician nang saksakin ng isang ’di nakilalang suspek sa mismong lamayan sa patay sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Tuluyang binawian ng buhay sa Dr. Mirando Medical Center ang biktimang si Chester Mendoza alyas “Bok”, binata, ng Interior 5,  Road 2, V. Mapa, Sta. Mesa, Maynila bunga ng tinamong mga saksak sa katawan. Tinutugis pa ang suspek na umano’y estranghero o dayo lamang sa lugar. Naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw   sa harapan ng bahay sa 3992 Interior 32, V. Mapa Sta. Mesa. Nabatid na matapos mag-inuman ang biktima, kasama ang kaibi­gang si Joseph Ogena, isang alyas “Ulo” at isa pang alyas “Duroy” nang mapuna umano ni Ogena ang isang lalaki na paikot-ikot at tila may hinahanap. Nang sitahin ni Ogena ang suspek ay nagsabi ang huli na may hinahanap siyang isang alyas “Glen”. Nang papalapit naman ang biktima upang umusyoso, agad umanong nag­bunot ng patalim ang suspek at walang sabi-sabing inundayan ng mga saksak ang biktima. Ayon sa mga kaibigan ng biktima, inakala umano ng nasabing suspek na ang paglapit ng biktima ay pagtutulungan siyang bugbugin kaya inunahan na nito nang pananaksak.

vuukle comment

AYON

BOK

CHESTER MENDOZA

DR. MIRANDO MEDICAL CENTER

JOSEPH OGENA

MAPA STA

MAYNILA

NANG

OGENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with