^

Metro

BI employees magsasanay sa mga hi-tech na kagamitan

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sasailalim sa training ang mga empleyado ng Bureau of Im­migration (BI) sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya at equipment hindi lamang sa main office ng BI kundi maging sa mga pangunahing paliparan sa  bansa.

Base sa inilabas na kautusan ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan, inatasan nito ang 34 BI employees na maki­lahok sa service training program para sa immigration officers sa Philippine Immigration Academy sa Clark Field, Angeles, Pam­panga na nagsimula nang ganapin noong Mayo 25 hanggang June 3.

Layunin umano ng nasabing training na patuloy na lumalim ang kaalaman at skills ng rank and file employees ng BI dahil sa pa­tuloy ang pagyakap ng Pinoy sa mga makabagong tekno­lohiya at ginagamit na rin ito sa pang araw-araw na trabaho kayat dapat lamang na mayroong kaalaman ang mga empleyado ng BI.

Idinagdag pa ni Libanan na patuloy na gagamit ang BI ng mga maka­bagong kagamitan at programa na maaring ikumpara sa iba pang makabagong kagamitan na ginagamit ng ibang mga bansa. Pangungunahan ang training program ng BI Center for Training and Research  sa pangunguna ni director Simeon Vallda kasunod nito ang post oral evaluation process at ang dalawang araw na on the job training sa Ninoy Aquino International Airport sa June 7 at 8.

BUREAU OF IM

CLARK FIELD

IDINAGDAG

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

LAYUNIN

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE IMMIGRATION ACADEMY

SIMEON VALLDA

TRAINING AND RESEARCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with