MANILA, Philippines - Dalawang miyembro na-man ng kilabot na Auto-mated Teller Machine (ATM) gang ang na-sawi sa naganap na shootout ilang minuto ma-ka-raang hol-dapin at tangayin ng mga ito ang motorsiklo ng isang lalaking nag-withdraw ng pera sa lung-sod ka-hapon ng madaling-araw.
Inilarawan ang isa sa mga nasawing suspect na nasa edad na 25, may taas na 5’5’’, balingkinitan, moreno, naka-suot ng asul na t-shirt, at ma-ong na short pants; habang ang isa ay nasa edad na 35, 5’4’’ ang taas, balingkinitan, moreno, at naka-puting t-shirt at maong na pantalon.
Naganap ang insidente sa harap ng Lung Center of the Philippines sa kahabaan ng Quezon Avenue malapit sa Elliptical Road sa lungsod pasado alas-12:30 ng mada-ling-araw.
Nagpapatrulya ang tropa ng Criminal Investigation and Detective Unit (CIDU) sa may Edsa corner Kamuning Road nang ma-monitor nila sa radyo ang naganap na pangho-holdap at pang-aagaw ng mo-torsiklo ng dalawang arma-dong kalalaki-han sa may Cor-dillera at E. Rodriguez St.
Ilang minuto, naispatan ng tropa ang nasabing motor-siklo (5753-NC) na kulay pula da-hi-lan upang tangkain nilang pahintuin ito. Ngunit sa halip na sumunod, pinaha-rurot ng mga suspect ang kanilang motorsiklo dahilan upang mauwi sa habulan at pagpa-palitan ng putok ng baril.
Tumagal ng tatlong se-gundo ang palitan ng putok at nang mahawi ang usok ay na-kitang nakabulagta at walang buhay ang dalawang suspect.
Bago ang shootout hinol-dap ng mga suspect ang bik-timang si Francis Denver Tagle, 30, binata ng Nicanor Ra-mirez St., Brgy. Don Manuel matapos na mag-withdraw ito ng pera sa ATM machine sa may Banco de Oro sa E. Rodriguez Sr. Blvd branch.
Bukod sa wallet na may lamang pera, tinangay pa ng mga suspect ang motorsiklo ng biktima, bago nagsipag-takas. Agad namang nagtu-ngo sa Galas Police Station ang biktima at ipinagbigay alam ang insidente dahilan upang ialarma ito sanhi ng naturang engkwentro.