^

Metro

Campaign manager ng anak ni Lucio Tan, dinukot

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Dinukot ng dalawang armadong lalaki na naka-uniporme ng pulis ang campaign manager ng natalong kandidato na si Viviene Tan, anak ni Lucio Tan, alas-5 ng ma­daling-araw no­ong Lunes sa nabanggit na lungsod.

Sa isang press conference, sinabi ni Susan Tagle, campaign manager ni Viviene Tan, nag­sampa siya ng kasong abduction at theft char­ges sa Camp Karingal nitong Martes bunsod ng umano’y verbal abuse at pagtatago sa kanya sa loob ng 8 oras ng natu­rang armadong lalaki.

Anya, puwersahan siyang hinatak mula sa kanyang sasakyan ng dalawang suspek na hindi pa nakikilala at saka isinakay sa police vehicle sa may kanto ng Scout Tobias at Scout Lozano sa QC noong Lunes.

Binantaan pa anya siya ng mga suspek na kaya nila itong itapon sa ilog at bigla na lang ma­wala noong sila ay nasa loob ng police vehicle.

Kinahapunan na uma­no siya pinakawalan ng mga suspek matapos kunin ang   P30,000 cash mula sa kanyang wallet.

Bukod kay Viviene Tan, si Tagle ay nagsil­bing personal assistant ng namayapang aktor na si Fernando Poe Jr. no­ong 2004 presidential cam­paign. Inaalam pa ng pu­lisya kung may kina­l­aman sa politika ang insi­dente o isang kaso ng ‘hulidap’.

vuukle comment

ANYA

BINANTAAN

CAMP KARINGAL

FERNANDO POE JR.

LUCIO TAN

SCOUT LOZANO

SCOUT TOBIAS

SHY

SUSAN TAGLE

VIVIENE TAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with