^

Metro

Akyat-bahay na sex maniac, tugis

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Dumulog sa Manila Police Dis­trict-Women and Child­ren’s Desk ang isang magan­dang estudyante kaugnay sa panlo­loob at panggagahasa sa kanya ng di-nakilalang lalaki, sa Sam­ paloc, Maynila kamakailan. Sa paglalarawan ng biktimang itinago sa pa­ngalang “Sarah”, 19, at pan­sa­mantalang nangu­ngupa­han sa isang apartment sa Sam­paloc, Maynila, ang sus­pek ay  nasa edad na 28 hang­gang 32, may taas na 5’8’’ hanggang 5’9’’, payat at maitim.

Sa salaysay niya kay C/Insp. Anita Araullo, dakong alas-10:30 ng umaga noong Linggo nang tumunog ang doorbell nila kaya sinilip niya ang maliit na butas.

Nang walang makitang tao ay binuksan niya ang pintuan at nagulat siya nang sumulpot ang suspek at nagkunwaring may itatanong lang. Nang isa­sara niya ang pintuan ay hina­rang siya ng suspek habang hawak ang patalim.

Dahil sa insidente, na­gising ang kasama ng biktima sa apartment, ang pinsan niyang lalaki, na tinakot umano ng suspek at pinadapa.

Nagawa pa umanong ma­igapos ng suspek ang mga paa at kamay ng pinsan ng dalaga, gamit ang sintas ng sapatos at cellphone charger at binusalan ng foam ang bibig, habang hawak umano ang patalim na nakatutok sa dalaga.

Nagsimula umanong mag­halughog ang suspek habang hawak ang dalaga.

Bago pa umalis ang sus­pek, tinutukan umano siya at pinahiga, tinakpan ng foam ang bibig at hinubaran ng suspek at dito siya sinimulang halayin bago tumakas.

vuukle comment

ANITA ARAULLO

DAHIL

DUMULOG

LINGGO

MANILA POLICE DIS

MAYNILA

NANG

SHY

WOMEN AND CHILD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with