^

Metro

2 Dayuhan Timbog: Mini-shabu lab sa Binondo, ni-raid

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Phillipines - Isang mini-shabu o tinaguriang ‘hit and run’ laboratory ang nadiskubre ng Manila Police District-Station 11 na nagresulta sa pagkaka­aresto sa dalawang dayuhang operator at pag­kumpiska sa tinatayang P5-milyong halaga ng finished product  at mga kemikal sa paggawa ng shabu, sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nadakip sina Liang Hung Hui, 31, isang Taiwanese national at ang Chinese national na si Ko Kwon Ping, 46, na ayon kay Supt. Rogelio Rosales ay ininguso sa kanilang tanggapan ng isang parking boy. 

Nasamsam sa mga ito ang may 900 gramo ng methampethamine hydrochloride o shabu na maari nang ibenta at mga nakareserbang sang­kap sa pag-prodyus ng shabu na kinabibilangan ng phosphorous, ethanol, hydrochloric acid at laboratory equipments na flasks, mga blender, timbangan at iba pa.

Dakong alas-9:30 ng gabi noong Lunes, nang pasukin ng pulisya ang apartment na matatag­puan sa 1088 Aguilar St., Binondo, Maynila at armado ng search warrant na inisyu ni Manila Re­gional Trial Court Branch 21 Judge Amor Reyes.

Sa pahayag naman ni MPD director, General Rodolfo Magtibay, sa nakalap nilang impormas­yon sa mga residente sa lugar ay may isang linggo pa lamang na nangungu­pahan ang mga suspek at maliban sa kutson wala na silang ibang gamit sa apartment kundi mga kemikal sa paggawa ng shabu.

Naniniwala si Magtibay na dahil sa ‘hit and run’ lamang ang itinayong shabu lab sa lugar, maaari lamang magprodyus ang laboratoryo ng pinakamababang isang kilo kada araw at maaaring kumita ng P155-milyon kada buwan.

Patuloy pa umano nilang aalamin kung anong international drug syndicate ang kinaaaniban ng dalawang suspek na sinampa­han ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Compre­hensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AGUILAR ST.

BINONDO

DRUGS ACT

GENERAL RODOLFO MAGTIBAY

JUDGE AMOR REYES

KO KWON PING

LIANG HUNG HUI

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA RE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with