^

Metro

Kapitbahay kinatay ng 3 magkakaanak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pinagtulungan saksakin at tagain hanggang sa mapatay ng tatlong magkakapamilya ang nakaaway nilang kapitbahay sa harap mismo ng ina nito, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Joey Enriquez, 27, ng Block 28 Lot 12 Phase 3 Saint Louie Village, Talon 3, Las Piñas habang agad na nagsitakas ang mga salarin na nakilala lamang sa mga pangalang Tony, Jigs at Nonoy Genabe, residente rin ng naturang village.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-8:30 ng gabi nang pasukin ng mga salarin na armado ng patalim at itak ang loob ng bahay ng biktima at pagtulungan itong pagsasaksakin at tagain sa harap ng 47-anyos nitong ina na si Teresa.

Hindi pinakinggan ng mga suspek ang palahaw at pagmamakaawa ng ina ng biktima hanggang sa matiyak na wala na itong buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang matagal na umanong alitan ang dahilan ng naturang pamamaslang kung saan inaalam pa ng mga imbestigador ang puno at ugat nito.  

vuukle comment

BIKTIMA

INA

JOEY ENRIQUEZ

LAS PI

NAKILALA

NONOY GENABE

PINAGTULUNGAN

SAINT LOUIE VILLAGE

TERESA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with