PDEA nagbabala sa drug companies vs pekeng lisensiya
MANILA, Philippines - Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lahat ng PDEA registered chemical at drug companies na maging vigilante laban sa taong gumagamit ng pekeng lisensiya ng kagawaran para makabili ng ipinagbabawal na droga, controlled precursors at essential chemicals.
Aksyon ito ng kagawaran matapos na makatanggap ng ulat si PDEA Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago mula kay Director Helen Maita E. Reyes ng PDEA Compliance Service kaugnay sa apat na kaso na kinasasangkutan ng pamemeke ng License to Handle (LTH) na nasa ilalim ng kanyang tanggapan.
Gayunman, kung may pag-aalinlangan anya kaugnay sa PDEA LTH na iprinisinta sa kanila, ang lahat ng PDEA registered chemical at drug companies ay maaring gumawa ng berepikasyon mula sa PDEA Compliance Service na may telephone number (+632) 920-8110 o sa mobile numbers +63917-8378116 at +63922-8722127 hanggang 29.
- Latest
- Trending