^

Metro

Dahil sa titig, binata inutas

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil lamang umano sa titigan, napatay ang isang 25-anyos na binata matapos na tarakan ng saksak ng isang obrero kamakalawa sa lungsod Quezon.

Kinilala ang nasawi na si Ponele Mingilita, walang trabaho ng Pingkian St., Sauyo Road, Novaliches, Quezon City.

Nakilala naman ang suspect na si John Richard Armea, 24, ng Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may 4th St., Area 4, Veterans Village, Brgy. Pasong Tamo ganap na alas-8 ng gabi.

Bago nito, nagpunta umano ang biktima sa kanyang pinsang si Michael Mingilita kung saan nag-inuman ang mga ito. Nang malasing ay nagpasyang umuwi ng biktima at habang naglalakad sa nasabing lugar kasama ang pinsan ay nasalubong nito ang suspect. Dito ay hinarang ng suspect ang dalawa saka sinita dahil masama raw umano silang tumitig.

Sa pangambang may masamang mangyari sa kanila, nagpasya ang biktima na pauwiin ang pinsan. Ilang minuto ay sumunod din ang biktima sa bahay ng pinsan para malaman kung nakauwi na ito. Ngunit nang malamang wala pa ito sa kanyang bahay ay nagpasya itong bumalik sa nasabing lugar para hanapin ang pinsan subalit sinalubong na siya ng saksak sa katawan ng suspect.

Tinutugis na ng awtoridad ang salarin.

vuukle comment

BRGY

DAHIL

JOHN RICHARD ARMEA

MICHAEL MINGILITA

PASONG TAMO

PINGKIAN ST.

PONELE MINGILITA

QUEZON CITY

SAUYO ROAD

VETERANS VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with