^

Metro

Chinese trader nagbigti sa hotel

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Wala pang matukoy na dahilan ang mga awtoridad at kaanak ng isang negosyan­teng Intsik na sinasabing nag­bigti sa loob ng inookupahang silid sa isang five-star hotel sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Qui Chunlei, 45, may-asawa, tubong-Shin Shi City, Fu­kien, People’s Republic of China at pansamantalang nanu­nuluyan sa Room 1529 Water Front, Manila Pavilion Hotel, Maria Orosa cor. UN Avenue, Ermita, Manila.

Sa ulat ni Det. Joseph Ka­bigting ng Manila Police Dis­trict-Homicide Section, da­kong alas-2:45 ng hapon nang madiskubre ng mga ka­anak na wala nang buhay ang biktima sa loob ng banyo ng hotel.

Sinabi umano sa pulisya nina George Cu at Chen Minan, mga bayaw ng nasawi, na iniwan nila si Qui dakong alas-12 ng tanghali makara­ang dumalo sila sa pulong ng asosasyon ng Chinese sa Century Seafood restaurant sa Harrison Plaza, Malate, Manila.

Sa pagbalik nila sa hotel, nakita na lamang umano ng dalawa na nakabitin na si Qui sa banyo, gamit ang asul na tuwalya na nakapulupot sa leeg at nakabitin sa shower curtain.

Patuloy namang inaalam ng pulisya kung may naganap na foul play sa kaso ni Qui matapos walang maibigay na dahilan ang mga kaanak para gawin ng biktima ang pagpa­pakamatay.

CENTURY SEAFOOD

CHEN MINAN

ERMITA

GEORGE CU

HARRISON PLAZA

HOMICIDE SECTION

JOSEPH KA

MANILA PAVILION HOTEL

MANILA POLICE DIS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with