^

Metro

2 ex-MMDA, 1 pa timbog sa kotong

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Arestado sa isang entrapment operation ang dalawang dating traffic enforcers ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at   miyembro ng Quezon City Department of Public Order and Safety (DPOS) matapos na irek­lamo ng pangongo­tong ng driver ng mga truck na bumibiyahe sa lungsod.

Kinilala ni Chief Supt. Benjardi Mantele, QCPD Director, ang mga suspect na sina Danilo Pa­dilla, 40, ng 31-B Reparo Road, Caloocan City at Rudy Madrid, 59 ng no. 65 Linao St., Ba­rangay Siena, Quezon City, kap­wa mga dating emple­yado ng MMDA at Arse­nio Benaflor, 64, DPOS traffic enforcer at resi­dente ng 192 Metro Heights, Culiat ng na­banggit na lungsod.

Batay sa imbestigas­yon, isang Jovy Luces, 29, truck driver ng Purok 2, Buntong Palay ang nagreklamo hingil sa talamak na pangongo­tong ng tatlo kung kaya’t isinagawa ang ope­ras­yon ganap na alas-11:45 ng gabi sa panulu­kan ng EDSA at A Bon­ifacio Ave­nue, Balinta­wak, Quezon City. Agad namang dina­kip ang mga suspect habang aktong tinatang­gap nito ang tatlong pi­raso ng P100 na marked money mula sa hinuli nilang truck driver.

Lumilitaw na sina Pa­ dilla at Madrid ay sini­bak na sa MMDA dahil sa pagkakasangkot nila sa illegal na aktibi­dades sa isina­gawang sidewalk clearing operations laban sa mga vendors.

Kasong paglabag sa article 294 ng revised penal code o robbery/extortion at usurpation of authority ang kinakaharap nina Padilla at Madrid, habang si Benaflor na­man ay kasong robbery/extortion.

A BON

B REPARO ROAD

BENAFLOR

BENJARDI MANTELE

BUNTONG PALAY

CALOOCAN CITY

CHIEF SUPT

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with