^

Metro

Kolorum na dormitoryo, target sa Maynila

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Upang matiyak ang kaligtasan ng  mga estudyante ngayon pasukan,  magsasagawa ng serye ng pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Manila City hall  sa lahat ng mga dormitoryo sa lungsod.

Kasabay nito, agad ding inutos ni  City Administrator Jay Marzan ang pagpapasara ng mga dormitoryo na walang permit at mga kolorum bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ayon kay Marzan, hindi maaaring ipag­walang-bahala ang kaligtasan ng mga estud­yanteng nakatira sa mga dormitoryo.

Aniya, tinitiis ng mga estudyante  na malayo sa kanilang pamilya upang makapag-aral  at matupad ang kanilang pangarap kaya marapat lang na mabigyan naman sila ng kaukulang proteksyon at seguridad.

Partikular ding binigyan diin ni Marzan ay ang kaligtasan ng mga dormitoryo laban sa sunog. Kailangan umano sa isang dormitoryo ay malinis, maayos at hindi madaling kapitan ng apoy.

Kaugnay nito, sinabi ni Bureau of Fire Protection National Capital Region (BFP-NCR) Director Pablito Cordeta na 129 lang sa mga dormitoryo sa Maynila ang may permit mula sa city hall habang halos doble nito ang walang permit pero patuloy na nag-ooperate.

Batay aniya sa kanilang ginawang pag-iinspeksyon sa lungsod, 43 dormitoryo ang deli­kadong okupahan habang lima naman ang inirekomenda nilang maipasara.

ANIYA

AYON

BATAY

BUREAU OF FIRE PROTECTION NATIONAL CAPITAL REGION

CITY ADMINISTRATOR JAY MARZAN

DIRECTOR PABLITO CORDETA

DORMITORYO

MARZAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with