82-anyos na ina kinatay ng anak

MANILA, Philippines - Isang 82-anyos na ina ang pinatay ng sariling anak makaraang hindi pumayag ang una na ma­ka­pagtayo ng bahay ang huli sa kanilang bakuran, kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay noon din sanhi ng tinamong mga saksak sa leeg at dibdib ang bikti­mang si Matilde Espa­yos,  ng Don Antonio ng lung­sod na ito.

Arestado naman ng pu­lisya ang suspek na si Jessie Espayos, 40, naka­tira sa 7th Avenue, ng na­banggit ring siyudad.

Lumalabas sa pagsisi­ya­­sat ng pulisya na na­ganap ang insidente da­kong alas-5 ng umaga sa harap ng bahay ng biktima sa Don Antonio, ng lung­sod na ito.

Nabatid na lasing  na pi­nun­tuhan ng suspek ang kan­yang ina at inaway dahil sa pagtanggi ng matanda na mag­tayo ng bahay si Jessie sa harap ng bahay nito.

Napag-alaman na ma­bilis na kumuha ng pa­ talim ang suspek at pi­nagsa­saksak ang kan­yang ina na naging da­hilan ng agaran nitong ka­matayan.

Show comments