^

Metro

P1 kaltas sa petrolyo, inilarga ng oil firms

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na pagbu­lusok ng halaga ng langis sa internasyunal na merkado, nagpatupad ng P1 rollback sa kada litro sa presyo ng petrolyo ang mga kompanya ng langis.

Pinakahuling nagbaba ng presyo ang Petron Corpo­ration at Chevron Philippines na nagpatupad ng rollback dakong alas-6 kahapon ng umaga. Kinaltasan ng mga ito ng P1 kada litro ang halaga ng lahat ng uri ng kanilang gasolina, diesel, at kerosene.

Unang nagpatupad ng ka­halintulad na presyo dakong alas-2:01 kamakalawa ng hapon ang Unioil Petroleum na sinundan ng Flying V dakong alas-6 kamakalawa ng gabi.

Sinabi ni Raffy Ledesma, tagapagsalita ng Petron, na umaabot na sa P2.25 ang ibinaba sa halaga ng gasoline, habang P2 kada litro naman sa diesel at kerosene sa loob ng apat na araw makaraang una silang mag-rollback nitong nakaraang Mayo 17.

Ito’y upang patuloy pa ring salaminin ang bumababang halaga ng krudo sa internas­yunal na pamilihan kung saan inaasahan pa na may mga susunod pang pagbaba ng halaga nito.

CHEVRON PHILIPPINES

DAHIL

FLYING V

KINALTASAN

PETRON

PETRON CORPO

PINAKAHULING

RAFFY LEDESMA

UNIOIL PETROLEUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with