Lolo nag-harakiri dahil sa sakit

MANILA, Philippines - Nakatarak pa sa katawan ng isang 79-anyos na lolo ang kutsilyo nang madatnan siya ng kanyang asawa na naliligo sa sariling dugo matapos na magpakamatay sa pamama­gitan ng pagsaksak sa sarili bunga ng sakit na emphy­zema na hindi na niya matiis, ayon sa Quezon City Police kahapon.

Nakilala ang nasawi na si Francisco Lagman, retired employee at naninirahan sa #73 J. Peres St., Brgy. Masa­gana, Project 4 sa lungsod.

Ayon kay PO3 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso, ang biktima ay natagpuan na lamang ng kanyang asawang si Carmelita habang duguang nakahandusay sa kanilang kama ganap na alas-2:45 ng hapon.

Bago ito, ang biktima ay na-confine ng 13 araw sa Philippine Heart Center dahil sa sakit nito sa baga at em­phyzema.

Mayo 11, 2010 nang lu­ma­bas ng naturang ospital ang biktima, at sa mga araw na iyon, ayon sa kanyang asawa ay madalas na umano itong nagpapakita ng senya­les na nais na nitong magpa­kamatay dahil sa nararana­sang hapdi ng dinala niyang sakit.

Sinasabing dadalhan sana ni Aling Carmelita ng mer­yenda ang asawa nang ma­tukla­san niya itong nakahan­dusay sa kama at may tarak ng saksak sa tiyan.

Agad na ipinagbigay-alam ni misis ang pangyayari sa barangay opisyal na nagpa­rating naman ng impormas­yon sa pulisya.

Patuloy naman ang imbes­ti­gasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments